Senado hati-hati sa panukalang pagbubuwis sa paggamit ng single-use plastic, online transactions

Senado hati-hati sa panukalang pagbubuwis sa paggamit ng single-use plastic, online transactions

July 12, 2022 @ 1:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hati-hati ang posisyon ng ilang senador sa panukala ng Department of Finance (DOF) na pataswan ng buwis ang paggamit ng single-use plastics at digital transactions.

Sa kanyang posisyon, sinabi ni Senador Francis Escudero na dapat tugunan muna ng pamahalaan ang problema sa pangongolekta ng buwis kabilang ang isyu sa korapsiyon at kapalpakan sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR), bago magpatas ng panibagong buwis sa gitna ng krisis sa ekonomiya.

“It’s always easier to go for imposing new, or increasing whatever existing, taxes in order to raise revenues for [the government]. However, this is burdensome and is not in keeping with the times (of slow economic growth, increased unemployment and rising inflation),” aniya.

“I think the first order of business for the new Finance Secretary is to plug loopholes, clean up and make collection of existing taxes and duties by the BIR and BOC. With nearly ?200 [billion] in uncollected taxes lost to either corruption and/or inefficiency, this is by far more than any projected revenue of the new taxes he is mulling,” giit niya.

Nakatakdang ihain muli ni Senador Ramon Revilla Jr., ang isang resolusyon na humihimok sa Senate Committee on Ways and Means na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa posibilidad na magpataw at mangolekta ng buwis mula sa multi-national online streaming services.

Aniya, hindi parehas para sa local na negosyante na obligadong magbayad ng buwis kahit hindi saklaw ng tax law ang mga multinational firms.

“Unfair din kasi na yung mga local online businesses covered ng taxation laws, ang mga multinational corporations who have less physical presence but wider reach, mukhang hindi naaabot. They may have to be properly taxed given the outdated provisions and leakages in tax measures,” ayon kay Revilla.

Para naman kay Senador Sonny Angara, na dapat patawan ng 12 val;ue addd tax ang lahat ng biniling good at serbisyo sa online maliban na lamang kung exempted sa batas.

“Goods and services bought through the internet should really be taxable for VAT as all goods and services are, unless expressly made exempt by law,” aniya.

Suportado din ni Angara ang pagpapataw ng buwis sa paggamit ng single-use plastics upang maitaguydo ang paggamit ng recyclable materials.

“I am also in favor of taxing plastic as is the practice in other countries. This is intended to incentivize or encourage the use of recyclable bags and materials, which is better for the environment,” aniya.

Tulad ni Angara, hindi naman tutol si Senador Grace Poe sa pagbubuwis sa single-use plastics.

“The rampant use of single-use plastics is detrimental to our environment. Taxing them can discourage its use and even encourage the use of locally available materials for packaging. I have no problem with it,” aniya.

Hindi naman tututulan ni Senador Risa Hontiveros ang naturang panukala dahil magkakaroon ng mainit at mahabang talakayin hinggil dito sa plenaryo ng Senado.

“A lot of real world face-to-face sales of goods and services are migrating to online platforms, but ideally that should not really matter in terms of their tax treatment. If Congress deemed it legitimate to either tax or exempt certain products and services when they were not yet online, it must make sense for them to be treated the same when they go online,” aniya.

“If there will be a counter measure in the Senate, it will be subjected to deliberation and changes. This is an opportunity for us to resolve conflicting matters for the benefit of Filipino merchants and consumers,” dagdag ng mambabatas. Ernie Reyes