Senado kinansela muli ang imbestigasyon sa PNP-PDEA shootout matapos magka-COVID-19 sina Sinas, Villanueva

Senado kinansela muli ang imbestigasyon sa PNP-PDEA shootout matapos magka-COVID-19 sina Sinas, Villanueva

March 14, 2021 @ 3:49 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Muling kinansela ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagdinig sa umano’y “misencounter” ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga hepe ng parehas na ahensya.

Ayon sa abiso na inilabas ng tanggapan ni Senator Ronald Dela Rosa na chair ng nasabing panel ay kinansela ang nakatakdang pagdinig sa Lunes “until further notice.”

Ngayong Linggo kinumpirma ni PDEA chief Wilkins Villanueva ang pagkakaroon ng COVID-19 habang nitong Huwebes naman si Philippine National Police chief General Debold Sinas.

“Please be informed that tomorrow’s Committee on Public Order and Dangerous Drugs hearing on the PNP-PDEA misencounter is indefinitely postponed again for reasons that Gen. Sinas and DG Villanueva both tested positive for Covid19 and all other resource persons from both camps are exposed to their principal and further advised to undergo quarantine,” nakasaad sa abiso.

“One of the close contacts of Gen. Sinas and Gen. Danao, PLTCOL Exclamadura, died yesterday after testing positive together with the CPNP. Committee hearings of this kind can be more frustrating if done virtually,” dagdag pahayag dito.

Matatandaang unang itinakda ang pagdinig nitong Marso 2 ngunit kinansela upang magbigay-daan sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation. RNT/ELM