Senado mas pabor sa Japan kaysa Tsina sa pagpopondo ng rail projects

Senado mas pabor sa Japan kaysa Tsina sa pagpopondo ng rail projects

August 10, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mas gusto ng nakararaming senador ang Japan kaysa China sa uutangan upang mapondohan ang lahat ng rail prokjects sa bansa matapos isulong ni Senador JV Ejecito ang naturang programa sa public transportation sa ginanap na sesyon nitong Martes.

Sa naturang sesyon, sinabi ni Ejercito na malaking tulong ang rail projects upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan sa paghahanap ng matinong public transport system na magiging “gulugod” ng ekonomiya.

Ngunit, kahit suportado nina Senador Grace Poe at Risa Hontiveros ang panawagan ni Ejercito, kinuwestiyon nila kung bakit nakipag-kaayusan ang gobyerno sa China sa tatlong railway projects na lubhang mas mataas ang interest rates kaysa Japan.

Tinukoy nila ang Philippine National Railway Bicol Project, the Subic-Clark Railway Project, at unang yugto ng Mindanao Railway Project.

Umabot sa 3% ang ipinapataw na interest rates ng China sa utang kaysa 0.01 porsiyento mula Japan.

“Why should we choose China Eximbank when they were supposedly going to charge us [a] 3-percent interest rate, which is considerably higher than 0.01-percent rate offered by Japan?” tanong ni Poe.

“I would trust a partner that has delivered already, time and again. ‘Pag may problema tayo, biglang tatakbo tayo sa Japan kasi hindi maayos,” giit niya

Nakiisa din si Hontiveros sa sentimyento ni Poe sa pagsasabing: “Nakikiisa po ako du’n sa vision ng gentleman from San Juan na oo nga, ang railway system pwede talagang maging backbone ng ating ekonomiya.”

“Bakit natin pinipili ‘yung mga pautang na mas mataas ang interest rate kaysa mas mababa? Kontrapelo sa gagawin natin sa tunay na buhay sa ating mga pamilya at tahanan,” tanong niya.

Sa kanyang tugon, sinabi ni Ejercito na mas gusto niyang Japan ang gumawa ng inteoperatibility ng rail system dahil mas mababa ang interest rate nito.

“Personally, I would rather have Japan do it. First of all, it’s more reliable. I would think most of us here would probably prefer Japanese railways and trust Japanese rails,” ayon kay Ejercito.

“Second, Japan, through the [Japan International Cooperation Agency] and [Asian Development Bank], has been extending friendlier terms for the country,” dagdag niya.

Kamakailan, ibinasura ng administrasyon ang lahat ng Chinese loan deals saka nagpahayag ng panibagong negosasyon upang makakuha ng official development assistance loans.

“Maybe it’s a blessing in disguise that this project did not push through and maybe just out of courtesy, President Marcos said, ‘maybe we should look at the terms and perhaps, renegotiate,’” ayon kay Poe. Ernie Reyes