Senado nag-adjourn para sa Kapaskuhan; Enero 23 balik-sesyon

Senado nag-adjourn para sa Kapaskuhan; Enero 23 balik-sesyon

December 19, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nag-adjourn ang Senado simula nitong Disyembre 17 hanggang Enero 22, 2023 upang magbigay daan sa Kapaskuhan at makapaghanda ang mambabatas sa panibagong yugto ng Lehislatura sa nakalipas na anim na buwan.

Sa pahayag, sinabi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na naging produktibo ang nakaraang sesyon na nakapagsabatas ng ilan na kumikilala at tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

“Since we first convened 20 weeks ago, we have devoted every single day to carrying out the duties the Constitution has assigned us, and delivering the results our constituents expect of us,” ayon kay Zubiri sa pagsasara ng sesyon nitong Disyembre 14.

Sa maraming panukalang batas na napagtibay ng Senado, sinabi ni Zubiri na pinakamahaalga ang pagpasa ng P5.268T 2023 General Appropriations Act na nilagdaan ng chief executive nitong Disyembre 16, 2022.

“Consisting of thousands of funding lines, this massive yet minute book of spending, finances the start of the reconstruction our people deserve after three years of being pummeled by the pandemic. The way the budget, and all the bills, are hammered in the Senate is proof that ours is not only an institution driven by initiative but also by industry,” ayon kay Zubiri.

Mula sa unang pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress nitong Hulyo 25 hanggang Disyembre 14, umabot sa kabuuang 1,610 bills at 388 resolutions ang naihan ng mambabatas.

Matagumpay na naisabatas ang Mataas na Kapulungan ang Republic Act No. 11934, o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, na pinamamahalaan ang pagbebenta at paggamit ng SIMs upang masugpo ang mobile-phone aided crimes sa bansa.

Pinagtibay din ng Senado ang Republic Act No. 11935, na ipinagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa huling Lunes ng October, 2023.

Naipasa din ng Senado sa huli at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 1290, o ang panukalang “Walkable and Bikeable Communities Act”. Nakabinbin sa Mababang Kapulungan ang katulad ng panukala.

Umabot naman sa 38 simpleng resolusyon ang naipasa ng Senado kabilang ang paglikha ng Oversight Committee on Intelligence and Confidential Funds; 2022-2028 Medium Term Fiscal Framework, Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum, na itinakda ng Bangsamoro Organic Law (Republic Act No. 11054.

“Sa ating mga kababayan, ang nais niyo ay nais din namin: Harinawa’y ang darating na taon ay puno ng sigla, hitik ng makabuluhang pagbabago, at tunay na maghahatid ng ginhawa. Sa ating pagtutulungan, sa ating pagsisikap, sa awa ng Maykapal, kaya nating kamtin ang mga iyan. May God Bless the Philippines!” ayon kay Zubiri.

Magbubukas ang plenaryo sa January 23, 2023. Ernie Reyes