Senado nagbabala vs fake social media accounts

Senado nagbabala vs fake social media accounts

August 6, 2022 @ 3:45 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nagbabala nitong Biyernes ang Senado laban sa kumakalat na pekeng social media account sa Facebook at Linkedln na ginagamit ang official logo ng Mataas na Kapulungan na gumagamit ng pangalang “Senate of the Philippines.”

Sa pahayag, sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., ginaya ng naturang pekeng account ang official seal ng Senado na nagpapakalat ng hindi tugman, misleading at inflammatory content.

“The official Facebook, Twitter, and Instagram pages of the Senate of the Philippines are verified accounts and bear the “blue check” marks,” paliwanag ni Bantug.

Pinabulaanan din ni Bantug na mayroon opisyal na Linkedln page ang Senado.

Ipinagbigay alam na ng Senado ang naturang pages sa Facebook/Meta at LinkedIn, ayon kay Bantug.

“For official and accurate information about the Senate of the Philippines, its members, as well as its activities, please refer to the Senate of the Philippines’ official website, or its verified accounts on Facebook, Twitter, and Instagram,” aniya.

Samantala, naghain naman si Senador Joel Villanueva ng Senate Bill No. 366, o ang Anti-Spam Act, upang wakasan ang pagpapadala ng messages at tawag na nambibiktima ng publiko sanhi ng kawalan ng batas na magbibigay proteksiyon sa telephone at mobile subscribers laban sa electronic scams at pagbabanta.

Sa kanyang explanatory note, sianbi ni Villanueva na magsisilbing pananggalang ang panukala laban sa hindi maayos at pang-aaubo sa paggamit ng digital technology.

Pangkaraniwan, ayon sa panukala: “The messages or calls usually offer fake jobs promising high wages or selling products at seemingly discounted prices.”

“This is a scheme now called smishing, a form of text message phishing that lures consumers into giving away personal or financial information,” ayon kay Villanueva.

Sa ilalim ng panukala, ang depinisyon ng spam ay isang tawag o text messages na pumapaloob sa isa o mas marami sa mga sumusunod na kategorya:

  • “Those containing commercial promotions or advertisements that are not initiated by the recipient, and the recipient did not opt-in to receive;

  • Those that cause programs to be installed on the subscriber’s device without the subscriber’s consent;

  • Those that contain false or misleading electronic representations redirecting to websites, chat platforms, and similar online platforms; and

  • Those that trigger the collection of personal information by accessing an electronic device illegally.”

“The bill automatically opts out all telephone and mobile subscribers from spam calls or messages, and allows the subscriber to provide prior consent before any commercial or promotional advertisements can be sent to such subscribers,” aniya. Ernie Reyes