Senado nagkasundo sa implementasyon ng ‘working deadline’ enrollment sa Coconut Farmers Registry



Senado nagkasundo sa implementasyon ng ‘working deadline’ enrollment sa Coconut Farmers Registry

June 10, 2021 @ 7:28 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagkasundo ang ilang senador na mahigpit na ipatupad ang  “working deadline” sa pagpaparehistro ng magniniyog  na mabibinepisyuhan mula sa  Republic Act 11524 or the Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, sa Coconut Farmers Registry.

Pumayag ang mga senador sa ganitong rekomendasyon matapos angpagdinig ng   Senate committee on Agriculture, Food at Agrarian Reform na tumalakas  sa kalagayan ng Coconut Farmers Registry.

Tinalakay ng komite ang Senate Resolution 736, na inihain ni Senators Risa Hontiveros at Francis Pangilinan, na kumukuwestiyon sa pagsasakumpleto ng rehistrasyon na itinakda ng   RA 11524 sa Philippine Coconut Authority (PCA) na tapusin ito sa loob ng  90 araw
mula nang naging epektibo ang batas sa June 11, 2021.

Inaprubahan ng komite ang  panukala  ni Hontiveros sa kanyang opening statement na palawigin ang deadline mula Hunyo 11 tungo sa Setyembre 9, 2021.

Naunang inihain ni Senador Cynthia Villar,chairman ng lupon na tanggalin ang limitasyon o deadline ng pagpaparehistro at ipatupad na lamang ang continuing registration upang makapagsimula ang  mga ahensiya sa pamamahagi ng benepisyo sa magniniyog  mula sa  Coco Levy Funds.

“Ngayon, gusto lang natin makakuha tayo ng enough na mabibigyan natin ng benefit tapos yung mahuhuli, next year sila mabibigyan ng benefit kasi hindi naman natin dapat ipara ang ating distribution of Coco Levy Funds for the benefit of the farmers, coconut farmers dahil hindi
kumpleto ‘yung registry,” giit ni Villar.

Tinukoy pa ni Villar na mahigit 50% ng magniniyog ang naiparehistro ng PCA sa naturang registry.

Sinuportahan naman ni Hontiveros ang panukala ni Villar na ipatupad ang continuing registration ng magniniyog pero dapat lagyan ng timeline sa unag yugto ng rehistrasyon.

Hindi naman umalma bagkus sumuporta din si Senador Francis Pangilinan sa continuing registration pero iginiit niya na magtakda ng deadline.

“Continuing siya, hindi siya deadline after that date eh wala nang puwedeng [mag-register] but puwede nang ituloy and pag-release ng funds pero may working deadline para ma-enganyo. Kasi dito apat na buwan lang o tatlong buwan 315,000. Ang Pilipino kasi naghihintay ng deadline tapos last 2 minutes magre-register,” aniya.

Tanggap ni Villar ang suhesiyon ng dalawang senador.  Ernie Reyes


  •  
  •  
  •