Senado naka-Christmas break na

Senado naka-Christmas break na

December 15, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo na ng Senado ang pagsisimula ng kanilang Christmas break, ngunit sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na magpapatuloy ang mga committee hearings in aid of legislation.

Sa closing session, pinaalalahanan ni Villanueva ang kanyang mga kasamahan sa Senate Resolution No. 21 na “authorizes all standing committees, oversight committees, and special committees to conduct hearings, and consultation to have continuity of pending resolutions.”

Pinuri rin niya si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang matibay na pamumuno na humantong sa pag-apruba ng P5.268-trillion national budget para sa 2023 na inaasahang lalagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Zubiri ang mga senador at empleyado ng Senado na sumuporta sa kanyang pamumuno sa kanyang unang anim na buwan bilang Senate President.

Magbabalik-sesyon sa Enero 23, 2023. RNT