Senado sarado mula Oct 29 – Nov 1

Senado sarado mula Oct 29 – Nov 1

October 26, 2022 @ 5:37 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isasara ang gusali ng Senado mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1 upang bigyang-daan ang general cleaning partikular ang daluyan ng hangin ng airconditioning system at pagdiriwang ng Undas.

Sa advisory, sinabi pa ng Public Relations and Information Bureau (PRIB) na nakatakdang linisin ang airducts sa buong second floor mula Oktubre 29 hanggang 30.

Isasara din ang gusali upang bigyang daan ang selebrasyon ng Undas sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1.

“The (Press Office) will be closed from 8:00 AM of October 29 up to 6:30 AM of October 30, 2022, for the general cleaning and decontamination of ceilings and air ducts of offices located at the second floor, including the press room,” ayon sa advisory.

“The (Press Office) will also be closed on October 31 and November 1 to give everyone full opportunity to pay their respects to their departed loved ones and relatives,” dagdag pa.

Magbubukas ang Senado sa November 2, Miyerkoles. Ernie Reyes