Senador na nasa likod ng nabalam na BBM DQ result, ibubunyag ni Guanzon

Senador na nasa likod ng nabalam na BBM DQ result, ibubunyag ni Guanzon

February 1, 2022 @ 10:33 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ibubunyag umano ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon kung sinong senador ang responsable sa pagkaantala sa paglabas ng resulta ng disqualification cases laban kay Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling siya ay magretiro at makakuha ng katiyakan sa Senado na iimbestigahan ang usapin.

“In due time, because I want an assurance that when I mention the name, the Senate will investigate. I’m not just going to mention the name and then nothing will happen,” pahayag ni Guanzon sa isang panayam.

“He is more powerful than me and claims to be closer to the President,” sabi ni Guanzon.

“Because I am not yet retired, you wait for me to retire. Until I am no longer under your jurisdiction,” ayon pa sa komisyuner.

Nauna rito, inakusahan ni Guanzon ang isang senador na “makapangyarihan at maimpluwensya” na nagpaantala sa pagre-release ng resolusyon ng consolidated disqualification cases laban kay Marcos Jr.

Naniniwala si Guanzon na ito ay isang “sabwatan” upang talunin ang kanyang boto laban kay Marcos Jr. upang matiyak na ang kanyang boto ay hindi isasaalang-alang kapag siya ay nagretiro sa Peb. 2

Gayunpaman, ang kapwa Komisyoner na si Aimee Ferolino — ang ponente sa disqualification case laban sa presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr. — ay nauna nang itinanggi ang mga akusasyon, at sinabing nire-review niya ang tatlong pinagsama-samang kaso, kaya mas magtatagal ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden