Senador nangakong magbibigay ng pondo, insentibo sa ‘Balik-Scientists’

Senador nangakong magbibigay ng pondo, insentibo sa ‘Balik-Scientists’

October 17, 2022 @ 11:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinangako ni Senador Francis Tolentino kanyang pabibigyan ng mas malaking pondo at insentibo upang mahimok ang mga siyentista na bumalik sa bansa sa programang “Balik Scientists.”

Sinabi ni Tolentino na layunin ng panukala na suportahan ang programa ng pamahalaan na palakasin ang science and technology na makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa.

Aniya, maghananap ito ng pamamaraan upang mabigyan ng mas maraming pondo, grants, scholarships, mas mahusay na pasilidad at iba pang research-related incentives sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on finance sa badyet ng Department of Science and Technology (DOST) at 18 attached agencies.

“Siguro napakarami ng magagaling [nating] siyentipiko. Volunteerism din ang pagbabalik nila kung galing sila sa ibang bansa. Although hindi ganun kataas ‘yung sweldo, eh malaki din ang maaambag nila, lalong lalo na ‘yung mga scientist natin na magagaling,” aniya.

Nitong nakaraang Biyernes, inatasan ng Palasyo ang DOST na maghanap ng pamamaraan para mabigyan ng mas maraming insentibo ang Filipino scientists.

“As we take advantage of the many opportunities available to us under what is becoming the new normal, it is important to highlight the critical role of the DOST, with the help of the participating balik (returning) scientists, to address the perennial issues in the country through research and development initiatives,” ayon kay President Bongbong Marcos Jr., sa kanyang keynote speech sa 8th Balik Scientist Program Convention na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

“You must continue to strengthen the implementation of the Balik Scientist Program and find ways to provide more incentives to encourage more Filipino scientists to come back to the country and share their expertise,” ayon kay Marcos.

Ibinabandila ng Balik Scientist Program Annual Convention ang mga aktibidad, , accomplishments, research contributions, at sa mga iba’t-ibang larangan mula agrikultura , aquatics at natural resources, health, energy, at emerging technologies.

Natuklasan na mayroong 67 siyentipiko ang bumalik sa bansa sa pananalasa ng COVID-19 pandemic. Ernie Reyes