Senate blue ribbon preliminary report vs  Pharmally ilalabas sa Lunes — Gordon

Senate blue ribbon preliminary report vs  Pharmally ilalabas sa Lunes — Gordon

January 27, 2022 @ 7:30 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ilalabas ng Senate blue ribbon committee ang kanilang preliminary report sa isinagawang imbestigasyon sa maanomalyang pagbili ng COVID supplies, ayon kay Senator Richard Gordon.

“Maglalabas na kami ng preliminary report sa Lunes. Bato-bato sa langit ang matamaan ‘wag magagalit at umaasa ako na ang mga senador ay pipirma,” ani Gordon.

Inaasahan naman sa report ang pagkaaresto sa limang personalidad na iniuugnay sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at hindi dumadalo sa Senate hearings.

“Ilalabas namin ang report pagkatapos naming makuha itong tatlo, apat o limang mga taong ito.”

 “Huling-huli ang kabuktutan, ang katiwalian…Kaya nakita ninyo, all these things make cowards of us all, all these things make thieves of us all,” dagdag pa ni Gordon. RNT/FGDC