Senate hearing sa Maharlika Fund bill sisimulan sa Pebrero – Zubiri

Senate hearing sa Maharlika Fund bill sisimulan sa Pebrero – Zubiri

December 16, 2022 @ 2:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng simulan na ng Senado sa kalagitnaan ng Pebrero ng susunod na taon ang deliberasyon sa panukalang bubuo sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Biyernes, Disyembre 16 matapos na isara na ang sesyon sa Senado at Kongreso.

Dahil dito ani Zubiri, maaari lamang na ilipat sa Senado ang mga naipasang panukala sa Mababang Kapulungan sa Enero 23, 2023.

Sa araw na ito, ang inaprubahang panukala ng Kamara ay dadaan sa unang pagbasa at dadaan din sa apat na komite partikular na ang committee on banks, financial institutions, and currencies, na siyang magiging lead panel at committees on government corporations and public enterprises; ways and means; at finance bilang secondary committees.

“After the referral to the proper committees, it will be now up to the chairmen to schedule the hearings for discussion which could be by middle of February pa. So please ask Sen. Mark Villar what his plan may be as he most possibly will be the lead Chairman to tackle this measure,” aniya.

“We respect the committee system in the Senate and we will study through the hearings and plenary debates all measures with a fine-tooth comb to make sure every bill or proposal would be good for our people and our country,” dagdag pa ng Senador.

Idiniin din ni Zubiri na ang bilis ng pagpasa ng MIF bill ay nakadepende kung paano ito papangunahan ni Villar.

“The speed of the passage of the measure is dependent on the ability of the chairman and the quality of work that is put in during the hearings and debates. That is how it is in the Senate and that’s how it’s always been in this institution,” giit ni Zubiri.

Nauna nang sinabi ng Senador na sinabihan na niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sisiguruhin nila ang masusing deliberasyon sa Mataas na Kapulungan.

Matatandaan na nitong Huwebes, Disyembre 15 ay naipasa na sa House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang MIF bill. RNT/JGC