Senate majority bloc, mag-uusap sa hirit ni Cayetano bilang hepe ng Blue Ribbon – Zubiri

Senate majority bloc, mag-uusap sa hirit ni Cayetano bilang hepe ng Blue Ribbon – Zubiri

June 10, 2022 @ 5:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang magpulong ang “supermajority” sa Senado hinggil sa kahilingan ni Senador Alan Peter Cayetano na hawakan ang Blue Ribbon Committee bilang kondisyon sa pagsanib nito sa majority bloc.

Inihayag ito ni Zubiri, inaasahang magiging senate president ng 19th Congress matapos ibulgar na tinanggap na ni Senador Francis Tolentino ang chairmanship ng Blue Ribbon Committee.

“I would need to consult the majority on the request of my friend, Senator Alan Cayetano. We have already discussed this with Senator Tolentino and he had already accepted the chairmanship of the Blue Ribbon Committee. So it’s not my decision to make at this moment,”  ayon kay Zubiri sa isang Viber message.

“Unfortunately, a number of senators are on vacation for the next two weeks before I can call for an initial meeting of the supermajority. We can only make a decision then,” dagdag niya.

 Sa panayam nitong Huwebes, sinabi ni Cayetano na inalok siya ni Zubiri na makipagtulungan sa majority ngunit iginiit nikto na kailangan ng isang fiscalizer sa susunod na Kongreso.

“Ang sabi ko naman [kay Zubiri], alam mo kailangan nyo ng fiscalizer. So kung ibibigay niyo ‘yung Blue Ribbon Committee, then baka may dahilan ako mag-majority because I will be able to do my job,” ayon kay Cayetano.

“Pero kung bibigyan niyo ako ng committee kahit napakaganda pero walang magfi-fiscalize o kakaunti ang magfi-fiscalize, o watak-watak ‘yung magfi-fiscalize sa administrasyon na ito ay mahirap ‘yon,” dagdag pa niya.

Ngunit, sabi ni Cayetano na malugod niyang tatanggapin na maging miyembro ng minorya kung hindi ibibigay sa kanya ng majority bloc ang posisyon na puwedeng tumanggi o pumabor sa polisiya ng susunod na administrasyon.

“So that’s the present status at siguro mag-uusap-usap ulit a few weeks before the [State of the Nation Address] because nga maraming not in the country or busy na nago-organize,” ayon kay Cayetano.

Dahil dito, inihayag din ni Zubiri na nakatakda siyang magsagawa ng isa pang pulong sa majority dahil pinal na ang kasunduan na ibigay kay Tolentino ang Blue Ribbon panel. Ernie Reyes