Senate President Sotto, binisita si Senador De Lima

Senate President Sotto, binisita si Senador De Lima

June 29, 2018 @ 10:21 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binista ni Senate President Vicente Sotto III si Senador Leila De Lima sa detention cell nito sa Camp Crame upang kamustahin ang kalagayan ng senador at upang pag-usapan ang iba pang usaping lehislatibo, kahapon.

 

Dumating si Sotto dala ang special tinapa rice at pastries na gawa ng kaniyang asawa na si Helen Gamboa.

 

Sabi ni Sotto, “We discussed the bills that she is pushing and how she could participate in the hearings.”

 

Sa inilabas naman na statement ni De Lima, masaya siya sa pagbisita ni Sotto sa kaniya at sa pagpapakita nito ng interes sa kaniyang mga bills at resolutions.

 

Sinabi naman ni Sotto na si De Lima ay hindi humihingi ng anumang special favor sa kaniya. (Remate News Team)