Senate probe ikinasa vs pagkamatay ng 24 miyembro ng Teduray tribe

Senate probe ikinasa vs pagkamatay ng 24 miyembro ng Teduray tribe

November 9, 2022 @ 4:50 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ikinasa ni Senador Robinhood Padilla ang Senate Resolution No. 280 upang paimbestigahan ang pagkamatay ng 24 miyembro ng tribong Teduray sanhi ng sapilitang paglilipat dahil sa gumuho ang lupa sa kasagsagan ng bagyong Paeng sa Maguindanao.

Sa pahayag, sinabi ni Padilla, chairman ng Senate committee on Cultural Minority na sapilitang inilikas ang Teduray tribe sa paanan ng bundok Minandar sa Maguindanao Del Norte mula sa baybayin ng Municipality ng Datu Odin Sinsuat.

Iginiit ni Padilla na dapat malaman ang katotohanan sa likod ng ulat na nasawi ang 24 at nasaktan ang higit 30 miyembro ng tribo na na-relocate sa paanan ng Mt. Minandar at kung bakit hindi na protektahan ang karapatan ng Teduray Tribe sa kanilang ninunong lupain o ancestral domain.

Nais din malaman ni Padilla kung sino ang may kapabayaan, ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) o ang Ministry of Indigenous People Affairs ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagtiyak sa karapatan ng tribo na manatili sa kanilang ninunong lupain.

Ayon sa isang ulat:

“Chieftain Timuay Alim Bandara of Tribal Indigenous Group Community Teduray said that the tribal community was forced out of their coastal homes to Sitio Tabunon, Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte in 2020 despite their protests. Such forced relocation was allegedly caused by a ‘powerful person’ who wanted to convert the place into a resort. He further belied the reports stating that the tribe relocated to Sitio Tabunon because of fear of the tsunami.”

Isasagawa ang imbestigasyon ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs sa kanyang pamumuno.

“The right to stay in the territory and not to be removed therefrom is a guaranteed right pursuant to Section 7(c) of the Indigenous Peoples’ Rights Act. Where relocation is considered necessary as an exceptional measure, such relocation shall take place only with free and prior informed consent of the concerned Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs), and whenever possible, they shall be guaranteed the right to return to their ancestral domains, as soon as the grounds cease to exist,” dagdag ng mambabatas.

Ani Padilla, ang lugar kung saan dinala ang tribo sa paanan ng Mt. Minandar, ay mas mapanganib sa landslide.

Sa kanyang resolusyon, ipinunto ng mambabatas ang ulat na 127 sa 300 pamilyang apektado sa pilit na relokasyon noong Disyembre 2020 ay nagpetisyon sa NCIP laban sa paglipat sa kanila, ngunit hindi tumugon ang ahensya.

Dahil dito, nais ni Padilla na malaman kung nilabag ba ang karapatan ng mga Teduray alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

“In view of the foregoing, there is a need to examine and review the IPRA as well as the mandate of the NCIP of protecting the rights and welfare of the IPs, with the end in view of amending the provisions of the IPRA,” aniya. Ernie Reyes