Bong Go sa vat refund program: May magandang insentibo

January 31, 2023 @7:56 PM
Views: 39
MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Bong Go na maganda ang magiging insentibo ng pag-apruba sa vat refund program para sa mga foreign tourists.
Sa panayam sa senador sa kanyang pagbisita sa mga nasunugang residente ng Arlequi St., sa Quiapo, Maynila upang magpaabot ng tulong, sinabi nito na maaaring pareho ang intensyon nito sa ibang bansa na mayroong tax rebate.
Ayon sa senador, pag-aaralan pang mabuti at kung maganda ang intensyon upang mahikayat ang mga turista dito sa bansa na bumili at maibenta ang sariling atin.
Dapat aniyang siguraduhin na kumita at matulungan ang mga local manufacturers at local businessman kung sakaling nagpatupad ng tax vat rebate sa mga turista.
Ang vat refund program ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dayuhang turista.
Simula sa 2024 ang mga dayuhang bibisita sa bansa ay pagkakalooban ng VAT refund sa mga binili nitong produkto. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Ex-sekyu utas sa pananambang

January 31, 2023 @7:43 PM
Views: 43
RAMON, ISABELA-Patay ang isang dating security guard matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa boundary road ng Bugallon Norte at Nagbacalan Ramon, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Rodel Sortido, 34 anyos, at residente ng Inanama, Alicia, Isabela.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Ramon Police Station, sa ilang mga nakakita sa krimen habang pauwi ang biktima sa kanyang bahay lulan ang bisekleta nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng maraming beses ng mga nakasakay sa Toyota Hilux pick-up.
Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang pick-up patungong bayan ng Alicia.
Bumulagta sa kalsada ang duguang ulo at katawan ng biktima na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng hot pursuit operation at imbestigasyon ang mga kasapi ng Ramon Police Station sa pamumuno ni PMaj. Christopher Danao para matukoy ang salarin at motibo sa pamamaslang.
Samantala, dinala na sa isang punerarya ang bangkay ng biktima para isailalim sa post-mortem examination. Rey Velasco
103K PDL napalaya ng BJMP

January 31, 2023 @7:30 PM
Views: 46
MANILA, Philippines – Kinilala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang pagsisikap na mapalaya ang higit 103,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) nitong taong 2022 bilang bahagi ng kanilang patuloy na hakbangin sa decongestion ng mga kulungan.
“Saludo ako sa BJMP sa kanilang decongestion efforts. Matagal ng problema ang kasikipan ng mga kulungan at nararapat lamang na tuloy-tuloy ang ating pagsusumikap na tugunan ito,” ani Abalos.
“I know for sure that BJMP will not stop here. Alam kong patuloy nilang pangungunahan ang pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga kababayang PDL,” dagdag niya.
Ayon kay Abalos, ikinagagalak niya ang paglaya ng 77,960 PDLs noong 2022 sa pamamagitan ng paralegal services at ang paglaya ng 25,333 PDLs sa pamamagitan ng ibang paralegal modes.
Dagdag din ng kalihim, ayon sa datos ng BJMP, may 6,288 PDLs o 10% sa kabuuang 130,138 na average monthly jail population ang lumalaya sa kanilang jail facilities kada buwan.
Aniya, nagpapasalamat siya sa BJMP sa kanilang programang palayain ang mga kwalipikadong PDLs at sa pagpapanatili nito ng “zero overstaying PDLs” sa kanilang 478 jail facilities sa buong bansa.
Mula sa huling datos, mayroong 367% congestion rate ang BJMP o 126,820 PDLs sa buong bansa.
“BJMP is utilizing all legal means to decongest our jails, and we are grateful that President Marcos is supporting these efforts,” pahayag ni BJMP Chief, Jail Director Allan Iral.
Matatandang inutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagpapalaya sa mga PDLs na kwalipikado para sa parole. Jan Sinocruz
Malamig na panahon, hanggang ngayong linggo na lang – PAGASA

January 31, 2023 @7:17 PM
Views: 45
MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) na asahan na ang maalinsangan na panahon sa susunod na mga araw dahil sa pagtatapos ng hanging Amihan.
Ayon sa Pagasa Weather Bureau, posibleng hanggang ngayong linggo na lamang maranasan ang malamig na temperatura dahil sa pag-iral ng mainit na panahon.
Sinabi pa ng ahensya na posibleng mawala na ang makakapal na ulap sa mga susunod na araw na nagdudulot ngayon ng mga pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.
Samantala kaugnay nito ngayong linggong, makakaranas pa rin ang mga lalawigan ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Bicol Region, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan.
Bunga nito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto dahil maaaring magdulot ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Santi Celario
Rice farmers sa Antique, pinagtatanim na ng sibuyas, bawang

January 31, 2023 @7:04 PM
Views: 43