Senate probe sa mahal na sibuyas isinusulong

Senate probe sa mahal na sibuyas isinusulong

December 27, 2022 @ 3:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senador Imee Marcos na imbestigahan sa Senado ang tumataas na presyo ng lokal na sibuyas.

Ito ay kasunod ng kamakailan ay pag-apaw ng mga imported na produkto at talamak na smuggling ng mga produkto mula sa ibang bansa.

Sa kanyang Senate Resolution No. 350, sinabi ni Marcos, na siya ring Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development chair, na ang retail prices sa mga sibuyas ay umaabot na ng P400 hanggang P500 kada kilo.

“[T]here is a need to determine the cause, as well as, ensure that the proposed importation of onions will not kill the local onion production or industry,” aniya.

Inihain ni Marcos ang resolusyon kasunod ng ulat ni Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) president Rosendo So na posibleng tumaas pa ang presyo ng mga sibuyas dahil umano sa supply shortage.

Ibinalita rin na sinabi umano ni So na ilang opisyal mula sa Department of Agriculture ang nakikipagsabwatan sa mga traders para imanipula ang domestic supply ng sibuyas.

“Prices of red onions in public markets remained high despite the government’s recent imposition of a price cap. Based on DA’s monitoring as of Nov. 29, majority of public markets in Metro Manila are still selling local red onions for P280 to P300 per kilogram,” pagbabahagi pa ni Marcos. RNT/JGC