Senate version sa coco levy fund bill, pinagtibay ng bicam – Villar

Senate version sa coco levy fund bill, pinagtibay ng bicam – Villar

August 2, 2018 @ 1:28 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inihayag kahapon ni Senador Cynthia Villar na pinagtibay ng bicameral conference committee ng Kongreso ang bersiyon ng Senado hinggil sa pagbuo ng batas sa pamamahala ng mahigit P100 bilyon coconut levy funds.

Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food, nagtagal lamang sa punto kung magbubuo ng bagong komite o buhayin ng Philippine Coconut Authority (PCA) upang pamahalaan ang pondo.

“Na-adopt ang Senate version and then it will be managed by a reconstituted PCA. Wala nang ibang ike-create na committee, just the reconstituted PCA wherein there will be four representatives from government, one from the industry and six coconut farmers,” ayon kay Villar.

Sinabi ni Villar na dalawa ang budget ng trust fund, isa manggagaling sa coco levy na aabot sa mahigit P100 bilyon na ilalagak sa treasury bills upang kumita ng 2 hanggang 3 porsiyento kada taon.

“Actually, dalawa ang budget ng trust fund. Isa iyong galing sa coconut levy and that is around P100 billion pesos. It will be invested in treasury bills and every year, we will give to the reconstituted PCA to spend it as we enumerated where to spend it; like it will be spent on scholarship of children of farmers, their health benefits, and their shared facilities program and then their program to improve their farms,” paliwanag ni Villar.

“Meron doong farm development so lahat ng hindi mako-cover doon na iyon. Medyo vague iyon eh. So lahat ng pangangailangan nila, doon nila kukunin. Kasi iyong shared facilities is 30%, farm development is 30%, empowerment of farmers’ organization, 15%, 15% sa scholarship and 10% sa health benefits,” dagdag niya.

Bukod dito, sinabi pa ni Villar na maglalaan ang pamahalaan ang P10 bilyon sa General Appropriations Act na mapupunta sa PCA.

That’s the role of government in improving the industry. That’s P10 billion a year. Iyong P5 billion galing sa coco levy fund, they have more than P100 billion coco levy fund. So every year they can spend P5 billion until it runs out,” ayon kay Villar.

“Mahigit 3.5 milyong magniniyog ang makikinabang dito,” dagdag pa ni Villar.

Tiniyak pa ni Villar na naglagay sila ng probisyon sa batas upang maiwasan ang pangungurakot at matiyak na mapupunta sa magniniyog ang pondo.

“It will be subject to audit, COA. Yearly, oo. Lahat sila subject to audit. Remember, the PCA is a government organization, so lahat ng gagawin niya subject to audit,” paliwanag niya. Ernie Reyes