Senator Binay, paplantsahin ang gusot sa kanyang mga kapatid

Senator Binay, paplantsahin ang gusot sa kanyang mga kapatid

October 11, 2018 @ 5:50 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Susubukan ni Senator Nancy Binay na ayusin ang gusot sa pagitan ng kanyang mga kapatid na sina Makati Mayor Abigail Binay at dating mayor Jejomar “Junjun” Binay, na kapwa gustong tumakbo bilang Mayor ng Makati City.

“As of the moment hindi na muna ako magsasalita dahil pag-uusapan, susubukan naming ayusin para hindi umabot doon sa ganung senaryo,” pahayag ni Sen. Binay sa isang panayam sa Commission on Elections (Comelec) headquarters sa Intramuros, Maynila.

Dagdag pa ni Binay, normal lang ang ganitong alitan sa mga pamilya.

“Parang… so far… ‘di ba parang normal lang naman din sa isang pamilya yung may mga ganitong pinagdadaanan? So, kumbaga, isa lang ito, like a normal a family,” aniya,

Sinamahan ni Sen. Binay si dating Manila counsilor Atty. Dan Roleda sa paghahain ng certificate of candidacy nito para sa pagkasenador sa ilalim ng United Nationalist Alliance’s (UNA).

Si Binay ang tumatayong presidente ng UNA. Nakatakda siyang tumakbo muli sa pagkasenador sa susunod na taon. (Remate News Team)