Senator Cynthia Villar, nanguna sa senatorial survey

Senator Cynthia Villar, nanguna sa senatorial survey

October 12, 2018 @ 8:08 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinangunahan ng kasalukuyang senador na si Cynthia Villar ang senatorial survey na isinagawa ng presidential adviser on political affairs at ni Francis Tolentino.

Sinolo ni Villar ang unang pwesto na may 53% habang nakuha naman nina senator Grace Poe, at Pateros-Taguig Representative Pia Cayetano ang ikalawa at ikatlong puwsto sa 43%.

Ang sarbey ay isinagawa mula sa September 15 hanggang 23 gamit ang face-to-face interview sa 1,500 adults sa buong bansa: 600 mula sa Balance Luzon at tig-300 mula sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao

Binigyan ng listahan ng mga kandidato ang mga respondents at pinapili ng 12 na pangalan sa tanong na, “If elections were to take place today, whom would you most probably vote for as senators of the Philippines?”/Remate News Team