Senator De Lima, ayaw maghain ng ‘not guilty plea’

Senator De Lima, ayaw maghain ng ‘not guilty plea’

July 27, 2018 @ 3:39 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Tumanggi si Senator Leila de Lima na maghain ng ‘not guilty plea’ sa pagbasa ng sakdal sa kanya kanina sa kasong may kinalaman sa umano’y kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya’y kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).

Dahil dito si judge Lorna Navarro-Domingo na lang mismo ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para sa senadora sa pagharap niya sa Muntinlupa Regional Trial Court branch 206 para sa kanyang arraignment sa Muntinlupa Hall of Justice.

Katwiran ni De Lima, ang hindi niya paghahain ng plea ay dahil hindi niya kinikilala ang “legitimacy and the validity” ng drug cases laban sa kanya.

“”Now, there are two other cases pending before the other Court, this case is completely fabricated and bogus from orchestrated lies. I refuse to enter a plea. I do not recognize these charges,” ayon kay De Lima.

Ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangereous Drugs Act ay sinampa sa kanya ng DOJ sa pangunguna noon ni dating Secretary Vitaliano Aguirre. (Remate News Team)