Senator De Lima butata sa SC

Senator De Lima butata sa SC

August 7, 2018 @ 2:35 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Hindi pinayagan ng Korte Suprema ang hiling ni Senator Leila de Lima na magpartisipa kasama ang kaalyadong senador sa oral arguments na itinakda ng Korte Suprema sa ginawang withdrawal ng Pilipinas na maging miyembro ng  International Criminal Court.

Una nang hiniling sa SC ng kapwa senador ni De Lima sa Minority Group na sina Senators Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Franklin Drilon, Antonio Trillanes IV at Risa Hontiveros na ideklara na walang bisa ang ginawang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-withdraw sa ICC sa katwirang unconstitutional ang nasabing hakbang.

Ang oral arguments ay itinakda sa Agosto 14.

Sa botong 10-2, mas marami sa mga mahistrado ang hindi pumayag sa kahilingan ng dating senadora.

Tanging sina acting Chief Justice Antonio Carpio at Associate Justice Francis Jardaleza ang bumoto pabor sa pagdalo ng senadora sa ICC .

Ayon sa SC, walang mabigat na rason si De Lima upang pagbigyan sa kanyang mosyon na dumalo sa itinakdang oral arguments sa August 14, 2018.

Sa katatapos na SC en banc session, ipaliwanag ng maistrado na walang maibigay na dahilan si de lima upang personal na saksihan  ang argumento kung saan isa siya sa petitioner.

“Senator De Lima’s capacity to appear for herself must yield to the fundamental restrictions on her liberty borne by her current detencion,”  ayon kay SC  Spokesperson Ted Te. (Jocelyn Tabangcura-Domenden/ Gail Mendoza)