Senator-elect Robin Padilla nanumpa kay PDu30

Senator-elect Robin Padilla nanumpa kay PDu30

June 17, 2022 @ 2:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanumpa si Senator-elect Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.

Kasama ni Padilla ang kanyang asawa na si Mariel Padilla at kanilang mga anak na sina Isabella at Gabriela sa Malakanyang.

“We are sooo sooo sooo proud of you @robinhoodpadilla I KNOW you will be an amazing and effective Senator,” saad sa Instagram post ni Mariel.

“All eyes on you… but that’s okay we like challenges. ????when you were taking your oath, I told myself Robin was born to be GREAT. Meron talagang mga tao na destined to excel… si Robin ganun. You got this babe! We are behind you, beside you and with you all the way. God speed! Allah hu Akbar!” patuloy ni Mariel.

Namayagpag si Padilla sa Halalan 2022 senatorial elections, kung saan nakakuha siya ng 26,612,434 boto batay sa tally ng National Board of Canvassers (NBOC).

Kumandidato siya sa ilalim ng PDP-Laban.

Inihayag naman ni Padilla ang kumpiyansa na kaya niyang pamunuan ang Senate committee on constitutional amendments and revision of codes sa kabila ng pagiging neophyte lawmaker. RNT/SA