Senator JV Ejercito, gagamitin na ang ‘Estrada’ sa kandidatura

Senator JV Ejercito, gagamitin na ang ‘Estrada’ sa kandidatura

October 11, 2018 @ 3:42 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Gagamitin ni Senator JV Ejercito ang apilido ng kanyang ama na “Estrada” sa kanyang pagsusumite ng certificate of candidacy para sa Senatorial race sa 2019 elections.

“Isasama ko ang ‘Estrada.’ Yung legal name Ejercito, Joseph Victor, nickname JV Estrada,” aniya.

Pinayuhan din siya ng kanyang ama na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na gamitin na ang kanyang apelyudo para mas tumatak sa isip ng mga botante.

Makakalaban ng reelectionist senator ang kanyang half-brother na si dating Senador Jinggoy Estrada. (Remate News Team)