Senator Lacson, magsasagawa ng sariling imbestigasyon sa Tanauan mayor assassination

Senator Lacson, magsasagawa ng sariling imbestigasyon sa Tanauan mayor assassination

July 5, 2018 @ 1:07 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Magsasagawa ng sariling imbestigasyon si Senator Panfilo Lacson kaugnay sa pamamaslang kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Pinabulaanan din ng senador na sangkot ang namayapang alkalde sa iligal na droga dahil kilala niya ito noong siya ay hepe ng Philippine National Police (PNP).

Pero pahayag din ni Lacson, minsan nang nasangkot sa operasyon ng jueteng sa Region 3 si Halili pero kanya rin itong napigilan.

Naniniwala rin si Lacson na ā€˜stage managedā€™ o planado ang krimen at talagang hasa at magaling ang gumawa nito.

Dahil dito aniya, malaking pagsubok sa gobyerno ang kasong ito dahil sa bintang na rin na sangkot ito sa droga. (Remate News Team)