Senglot dumayb sa 3rd floor una mukha, todas

Senglot dumayb sa 3rd floor una mukha, todas

February 26, 2022 @ 11:28 AM 4 months ago


BULACAN – Patay ang isang construction worker  na uminom ng gin “bilog” matapos mahulog sa ikatlong palapag ng isang gusali sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang namatay na si Michael Angelito Jacinto, 31, kasalukuyang residente ng Bagong Silang, Caloocan.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente bandang 11:00 pm nitong Huwebes, Pebrero 24 sa isang gusali sa Harmony Hills, Brgy. Muzon.

Ayon sa impormasyon, nag-inuman ang biktima at ang kanyang mga kasama sa trabaho at naghiwalay bandang 7:00 pm hanggang 8:00 pm.

Dahil dito, naiwan mag-isa si Jacinto sa gusali hanggang sa mahulog ito na unang tumama ang mukha sa lapag ng kalsada.

Agad naman dumating ang rescue team na tinawag sa lugar subalit dead on the spot ito.

Base sa salaysay ng ka-trabaho,may naikuwento sa kanya ang biktima na may bumabagabag at nagpapalugmok sa kalooban nito.

Nakita sa ikatlong palapag ang bote ng gin bilog,isang platito na may ilang stick ng barbecue at plastic bottle na may lamang suka na sawsawan. Dick Mirasol III