Senglot utas sa naburyong na ama

Senglot utas sa naburyong na ama

October 23, 2022 @ 11:12 AM 1 month ago


BURGOS, ISABELA- Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang mister na lasinggero na nagwawala at pala-hingi umano ng pera kung kaya’t pinagtataga na ng kanyang ama sa Barangay Cullalabo Norte, Burgos, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Romeo Balubar Sr, 75 anyos, may-asawa habang ang biktima ay si Romeo Balubar Jr., 47-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Inamin ng matandang Balubar ang pagpatay sa kanyang anak matapos mapuno palagiang paglalasing at ginagawang panggugulo at paghihingi ng pera ng anak kapag nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin.

Ang biktima ay nagtamo ng taga sa ulo at iba pang bahagi ng katawan na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa pagresponde ng pulisya ay narekober sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang itak na ginamit sa pananaga.

Napag-alaman, mula nang hiwalayan ng asawa ang batang Balubar 20 taon na ang nakaraan ay sa kanyang ama na tumira kung saan lagi na itong ginagawa na panggugulo hanggang sa nitong huli ay naburyong na ang kanyang ama.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng pulisya ang suspek kung tuluyan sasampahan ng kaso ang kanyang mga kamag-anak at pamilya. Rey Velasco