Senior citizens, health workers tuturukan na rin ng 2nd booster dose

Senior citizens, health workers tuturukan na rin ng 2nd booster dose

May 18, 2022 @ 4:33 PM 1 month ago


 MANILA, Philippines – Pwede na ring magpaturok ng second booster shot kontra COVID-19 ang mga senior citizens at frontline healthcare workers.

Ayon sa Department of Health (DOH), mapapalakas nito ang immunity ng mga tao laban sa virus gayundin sa Omicron subvariant BA.2.12.1.

Sa ngayon, 17 kaso na ng nasabing sub variant ang naitala sa Pilipinas — dalawa rito ay mula sa National Capital Region, 12 sa Puerto Princesa City, Palawan at tatlo sa Western Visayas.

Samantala, kabilang sa mga bakunang gagamitin para sa second booster dose ay Pfizer at Moderna, na ibibigay apat na buwan matapos ang unang booster dose.

Ang mga indibidwal na nais magpabakuna ay kinakailangan lamang magprisinta ng kanilang vaccination card na nagpapakita ng petsa ng kanilang unang booster shot at isang valid government-issued ID.

Ayon sa ahensya, ang pagtuturok ng second booster ay ipatutupad sa buong bansa, depende sa kahandaan ng mga regional at local vaccination operation centers, implementing units, at vaccination sites.

Ayon naman kay National Vaccination Operations Center chairperson Myrna Cabotaje, ito ang paraan ng bansa para labanan ang virus.

“This is the moment we have all been waiting for. After careful study and consideration of the best available evidence, we shall now roll out effective immediately the second booster for our frontline health workers and senior citizens,” saad ni Cabotaje.

Sinang-ayunan naman ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“It fortifies the defense of health workers and highly vulnerable seniors. Everyone eligible can get the second booster jab done at the LGU vaccination sites nearest you. They are safe, effective, and free of charge,” aniya.

Nanawagan naman si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19.

“To further advance our march to the new normal, we call on every eligible Juan and Juana to get their booster doses and those who have not yet received their primary doses,” ani Duque.

“These vaccines will serve as our protection from existing variants and variants in the future. Together, we can get the job done by getting the jab done,” dagdag niya. RNT/ JCM