Senior citizens tuturukan na ng Sinovac vaccine

Senior citizens tuturukan na ng Sinovac vaccine

April 7, 2021 @ 6:15 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagturok ng Sinovac vaccine ng Tsina sa mga senior citizen kontra Coronavirus Disease 2019, Miyerkoles.

Ayon sa kumprimasyon ng FDA, matapos isaalang-alang ang rekomendasyon ng mga dalubhasa at kasalukuyang sitwasyon ng mataas na transmission ng COVID-19  bukod pa sa limitadong bakuna, ay pinapayagan na nila ang paggamit nito para sa mga matatanda.

“After considering the recommendations of the experts and the current situation of high COVID-19 transmission and limited available vaccines, the FDA is allowing  the use of Sinovac on senior citizens.” saad pa sa ipinadalang pahayag ni FDA Chief Eric Domingo.

Ang pagbabakuna ay susundan naman ng kaakibat na pagmomonitor sa kalusugan ng naturukang matanda para malaman ang side effect nito at maagapan.

“Vaccination should be preceded by an evaluation of the person’s health status and exposure risk to assure that benefits of vaccination outweigh risks,” bahagi ng pahayag ni Domingo.

Nauna nang inirekomenda ng Vaccine Expert Panel ang paggamit sa Sinovac para sa senior citizen. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •