Senior high stude kulong sa P1.5M shabu

Senior high stude kulong sa P1.5M shabu

July 30, 2022 @ 2:15 PM 1 week ago


TALISAY CITY- Umabot sa P1.5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang senior high school student sa isinagawang buy-bust operation nitong Biyernes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jedy Selitorio, 23, grade 11 student at residente ng Brgy. Mambaling Cebu City.

Ayon kay Lieutenant Colonel Randy Caballes, hepe ng Talisay City Police Station, bandang alas-10 ng gabi nahuli ang suspek sa Chief Police Lieutenant Colonel Randy Caballes Sitio Rattan, Barangay Tangke, Talisay City.

Nakuha sa suspek ang kabuuan 230 gramo na shabu na aabot sa halagang P1.5 milyon.

Sa pag-imbestiga ng pulisya, napag-alaman na nakapagbagsak si Selitorio ng 250 gramo ng shabu sa loob ng isang linggo.

Nahaharap ngayon sa paglabag sa Republic Act 9165 of Dangerous Drugs Act of 202 section 5 and 11 si Selitorio. Mary Anne Sapico