Senior Japanese officials ‘di dadalo sa Beijing Olympics

Senior Japanese officials ‘di dadalo sa Beijing Olympics

December 12, 2021 @ 11:12 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Maaaring hindi dumalo ang senior Japanese government officials sa Winter Olympics sa Beijing sa Pebrero, sa pakikilahok sa Estados Unidos sa isang diplomatic boycott, batay sa ulat ng Yomiuri newspaper nitong Sabado, kung saan nabanggit ang ilang sources na may alam ukol dito.

Nauna nang ianunsyo ng Canada, Australia, Britain at U.S. na hindi umano sila magpapadala ng top officials sa Games, kung saan nabanggit ang kanilang pagka-alarma sa human rights record ng China.

Base sa Yomiuri, posibleng ianunsyo ng Japan ang pormal nitong desisyon sa katapusan ng buwan. Ang mga opisyal na lamang na inaasahang darating sa palaro ay mga Olympics-related personnel, kabilang si Seiko Hashimoto, former head ng Olympic organizing committee ng Tokyo, ayon pa rin sa naturang diyaryo.

Nitong Biyernes, sinabi ng chief spokesman na wala pa umanong napagdedesisyunan ukol sa plano ng bansa na pagpapadala ng officials sa anturang kaganapan. RNT/SA