Senior na nanggahasa ng bata isinelda

Senior na nanggahasa ng bata isinelda

October 16, 2022 @ 10:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ibinalibag sa selda ang isang 73-anyos na lalaking kabilang sa most wanted persons ng Valenzuela City dahil sa panggagahasa sa menor-de-edad.

Inaresto sa kanyang bahay sa Barangay Marulas, ng lungsod, si Danilo Raymundo dakong 10:55 a.m ng Oktubre 14.

Dinamba si Raymundo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong Oktubre 13, 2022 para sa kasong of statutory rape, at two counts ng lascivious conduct sa ilalim ng section 5(b) ng Republic Act 7610, o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para kasong statutory rape, habang P180,000 naman ang inirekomendang pyansa nito para sa bawat bilang ng lascivious conduct. Merly Iral