Senior na walang travel history, unang kaso ng XBF case sa Pinas

Senior na walang travel history, unang kaso ng XBF case sa Pinas

February 16, 2023 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang unang kaso ng omicron subvariant XBF ay isang Filipino senior citizen na walang travel history.

“The local sample was detected at a time when the variant was not yet classified as a VUM [variant of concern – subvariant under monitoring],” sabi ng DOH sa media viber group.

Ang biosurveillance report ng DOH COVID-19 na inilabas noong Miyerkules ay nagpakita ng unang kaso ng XBF at dalawang bagong kaso ng XBB.1.5 na tumaas sa kabuuang bilang sa tatlo.

Nabanggit na ang XBF sample ay nakolekta noong DEcember 2022 at na-sequence noong Jan. 28, 2023.

Ayon sa DOH, nagpakita ng mild symptoms ang indibidwal at gumaling na.

“XBF is a recombinant sublineage of Omicron BA.5 and BA2.75 which has been associated with recent case increases in Australia and Sweden,” ayon sa DOH.

Inuri din ng World Health Organization (WHO) ang XBF bilang omicron subvariant under monitoring.

Patuloy namang tinutukoy ng global experts ang variant sa mga tuntunin ng transmissibility, immune evasion at kakayahang magdulot ng mas matinding sakit.

Mayroong 69 samples na na-sequenced ng University of the Philippines – Philippine Genome Center Main at Mindanao mula Feb. 7 hanggang 9.

Mula sa kabuuang samples, 26 o 37.68 percent ang nauri bilang XBB (kabilang ang dalawang kaso na inuri bilang XBB.1.5); 10 o 14.49 porsyento bilang BA.2.3.20; tatlo o 4.35 porsiyento bilang BA.5 (kabilang ang isang kaso na inuri bilang BQ.1); dalawa o 2.90 porsyento bilang BA.2.75; isang kaso o 1.45 porsiyento bilang XBC; at 20 o 28.99 porsyento bilang iba pang mga sublineage ng Omicron.

Sa 26 na kaso ng XBB, isang kaso ang na-classified bilang Returning Overseas Filipino (ROF) at ang iba ay local cases mula sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at ang National Capital Region (kabilang ang dalawang kaso na nauri bilang XBB.1.5).

Lahat ng karagdagang BA.2.3.20 kaso ay local cases mula sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Calabarzon, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Cordillera Administrative Region at NCR.

Dalawa sa tatlong naiulat na kaso ng BA.5 ay mga ROF at ang isa ay lokal na kaso mula sa Rehiyon ng Ilocos (kabilang ang isang kaso na inuri bilang BQ.1).

Ang natukoy na dalawang kaso ng BA.2.75 kamakailan ay inuri bilang mga ROF habang ang kaso ng XBC ay isang lokal na kaso mula sa Rehiyon ng Davao.

“Variants are expected to emerge and what’s important is our cases have remained manageable through vaccination and boosters,” ayon pa sa DOH.

“Let’s continue to assess our own risk and employ our layers of protection and through vaccination and boosters.” Jocelyn Tabangcura-Domenden