Senior umiwas sa lubak sa lagusnilad, tigok sa hagip ng armored van

Senior umiwas sa lubak sa lagusnilad, tigok sa hagip ng armored van

November 25, 2022 @ 9:33 AM 2 days ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang senior citizen matapos mabangga ang kanyang motorsiklo ng armored van sa Lagusnilad underpass sa Ermita, Manila.

Naitakbo pa ng rumespondemg ambulansya sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Pedro Tenerife y Yalung, 64, residente ng Palmera Street, Sampaloc, Manila ngunit binawian din ng buhay.

Hawak na rin ng Manila Traffic Enforcement Unit o MTEU ang suspek at drayber ng armored van (UQC 575) na si Ericson Oliver y Cariaga, 45,  binata, at residente sa 2nd Avenue North Signal Taguig City.

Nauna rito, kapwa binabagtas ni Tenerife at Oliver ang kahabaan ng  southbound ng Padre Burgos Avenue, Ermita, Manila nang pagsapit sa Lagusnilad Underpass nang magbanggaan ang kanyang bahagi ng armored van at kaliwang bahagi naman ng motorsiklo.

Bunsod nito, ang biktima ay natumba at humampas ang katawan sa sementadong kalsada saka nasagasaan pa ng naturang armored van.

Posible umanong  kapwa umiwas sa mga lubak ang suspek at biktima ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkabanggaan ang dalawa na nagresulta ng pagkamatay ng senior citizen. Jocelyn Tabangcura-Domenden