Senior US general nagbabala vs namumuong giyera sa Tsina

Senior US general nagbabala vs namumuong giyera sa Tsina

January 28, 2023 @ 3:20 PM 2 months ago


MANILA, Philppines- Nagbabala ang four-star US Air Force general ng kaguluhan sa China pagsapit ng 2025 at hinikayat ang commanders nito na itulak ang units na maabot ang maximum operational battle readiness ngayong taon.

Sa internal memorandum na unang lumitaw sa social media nitong Biyernes at kalaunan ay kinumpirma ng Pentagon, sinabi ng pinuno ng Air Mobility Command na si General Mike Minihan, na ang layunin ay pigilan “and, if required, defeat” China.

“I hope I am wrong. My gut tells me we will fight in 2025,” ani Minihan.

Sinabi ni Minihan na dahil sa presidential elections sa Taiwan sa susunod na taon, posibleng magkaroon ng “excuse” si Chinese President Xi Jinping para sa military aggression, habang tututukan naman ng United States ang sariling contest para sa White House.

“Xi’s team, reason, and opportunity are all aligned for 2025,” dagdag niya.

Nananawagan din ang memorandum sa lahat ng Mobile Command personnel na pumunta sa firing range, “fire a clip” sa target at “aim for the head.”

Tumugon naman ang Pentagon spokesperson sa AFP email query ukol sa memo at sinabing, “Yes, it’s factual that he sent that out.”

Sinabi ng Senior US officials sa mga nakalipas na buwan na tila pinapaspasan ng China ang timeframe nito para kontrolin ang Taiwan, isang self-governing democracy na inaangkin ng Beijing.

Nitong Agosto 2022 ay nagsagawa ang China ng major military exercises, na nakikitang trial run para sa pananakop matapos ang pagbisita ni dating House Speaker Nancy Pelosi sa Taipei. RNT/SA