Seniors hinikayat na magpabakuna vs COVID

Seniors hinikayat na magpabakuna vs COVID

May 29, 2021 @ 10:05 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng infectious disease expert ang senior citizens na magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Department of Health (DOH) Technical Advisory Group na ang matatanda ang nasa pinakapanganib na mahawa ng COVID-19.

“Marami pong namamatay sa COVID kaya ang importante ay protektahan natin iyong at highest risk for dying at alam po natin ito iyong mga seniors natin at iyong may mga kapansanan, mga chronic illnesses,” pahayag ni Salvana sa public press briefing.

“Kailangan lang po talaga nating makumbinsi kasi ngayon, I think hirap din ang mga tao na mag-convince sa ating mga seniors,” lahad ni Salvaña.

“Pero kung sasabihin po natin sa kanila, well you know, kung maraming seniors na nabakunahan na, baka hindi na natin sila kailangang ikulong sa bahay dahil protektado na po sila. Siguro baka mas magaganahan po silang magpabakuna sooner rather than later.” RNT/FGDC