Sens naghain ng resolusyon para sumuporta sa Gilas Pilipinas

Sens naghain ng resolusyon para sumuporta sa Gilas Pilipinas

August 2, 2022 @ 10:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Naghain ang limang senador ng resolusyon nitong Lunes na naglalayon na humihikayat sa Senate Committee on Sports na magkasa ng inquiry sa mga paraan upang suportahan ang Gilas Pilipinas, men’s national basketball team ng Pilipinas.

Inihain nina senators Christopher Lawrence Go, Mark Villar, Joel Villanueva, Francis Tolentino, at Alan Peter Cayetano ang resolusyon, at binanggit na ang inqury ay mayroong “end in view of reviewing relevant laws and policies to ensure optimal performance in future international sports competitions and to protect the welfare of the Filipino athletes.”

Binigyang-diin din ng resolusyon na “Gilas fans have clamored that the team receive more support in order to improve the team’s performance in international competitions.” Inihalimbawa naman ang silver medal finish ng Gilas sa 31st Southeast Asian Games at ang pagkatalo laban sa New Zealand at Japan sa FIBA Asia Cup kamakailan.

Matapos ang pagkatalo ng Gilas sa international competitions, naglabas ng pahayag ang Samahang Basketbol ng Pilipinas nitong Hulyo 22 na nananawagan ng pagkakaisa sa basketball stakeholders bago ang 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia. RNT/SA