Sens: POGO ops rebyuhin

Sens: POGO ops rebyuhin

October 1, 2022 @ 1:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling nanawagan ang mga senador nitong Biyernes para sa pag-review sa offshore gaming operations sa bansa.

Nagpalabas ang mga mambabatas ng magkakahiwalay na pahayag ukol sa Philippine offshore gaming operators (Pogos) matapos magdesisyon ang Supreme Court (SC) na hindi naaayon sa batas ang 5-percent franchise tax sa gross bets mula sa kanilang operasyon sa ilalim ng Bayanihan 2 law.

Sinabi ng mga senador na tinatanggap nila ang desisyon ng SC. Subalit, iginiit nila na ito ay “moot and academic” dahil ang Republic Act (RA) No. 11590 o An Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations ay naisabatas na.

“We… reiterate our call for the government to take a hard look at our POGO policy. We have to undertake an in-depth review of the pros and cons of allowing POGOs to operate in our country in light of the recent spate of abduction cases and other established negative social costs,” pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri said.

“We still have to re-examine our policy on online gambling. The question remains: does revenue the government generates from POGOs outweigh the social costs of online gambling? We filed Senate Resolution No. 225 precisely to investigate this matter, in the wake of the rising criminal activities that involve POGOs,” sabi naman ni Villanueva.

Para naman kay Senator Risa Hontiveros, inalis ng desisyon ng SC’ang huling rason para sa presensya ng Pogos sa bansa.

“The Supreme Court has  effectively removed the last remaining justification for POGOs — the revenue contribution to our national coffers. With the revenue from ancillary services debatable at best, and the real estate benefits negated by adverse impacts to the Filipino housing market, I don’t see any further reason why POGOs should not be banned from our shores,” ayon sa opposition senator.

Para kay Senator Sonny Angara, chairperson ng committee on finance, ang tax provision sa Pogos ay inamyendahan sa RA No. 11590.

“The Pogo tax provision in Bayanihan 2 was already amended by the subsequent pogo tax law, that is RA 11590. So in that respect the decision is already moot and academic,” sabi niya,

Muling lumitaw ang diskusyon sa offshore gaming operations sa bansa kasunod ng serye ng Pogo-related abductions.

Nakakolekta ang pamahalaan ng P3 bilyon mula sa Pogos, na mas mababa kumpara sa inaasahang P32-billion revenue para sa 2022. RNT/SA