Sentensyang 4-taong kulong kay Myanmar Aung San Suu Kyi, kinondena ng Pinas

Sentensyang 4-taong kulong kay Myanmar Aung San Suu Kyi, kinondena ng Pinas

January 17, 2022 @ 9:50 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang four-year jail term na hatol sa pinatalsik na si Myanmar leader Aung San Suu Kyi noong nakaraang linggo.

“The military regime is using the judicial system to silence political opponents and crush the National League for Democracy,” ang pahayag ni Locsin sa isang kalatas.

“Nearly a year has passed since the military coup in Myanmar. The situation has deteriorated sharply in all areas of society over the past year. I am deeply concerned about the suffering of the civilian population,” dagdag na pahayag nito.

Nanawagan si Locsin sa military leadership para sa “release all political prisoners, uphold democratic institutions and processes, refrain from violence, and fully respect human rights and the rule of law.”

Bukod dito, nanawagan din ang Kalihim sa military leadership na magpartisipa sa isang inclusive dialogue at ipagpatuloy ang democratic transition process.

“I will work with ASEAN colleagues in the next few weeks to find measures to ease the suffering of the people of Myanmar, and push for dialogue among all stakeholders, most especially Daw Aung San Suu Kyi, and substantial progress in the Five-Point Consensus of ASEAN,” anito.

“The Philippines will also work with Norway, as President of the Security Council for this month, in finding ways to end the killings in Myanmar that have dragged on for a year, far too long for that country’s suffering people,” ayon pa rin kay Locsin.

Sa ulat, apat na taong makukulong ang napatalsik na Myanmar leader na si Aung San Suu Kyi.

Kaugnay ito sa mga kasong inciting dissent at paglabag sa COVID-19 rules sa ilalim ng isang natural disasters law, ayon sa BBC report.

Ito ang unang hatol laban kay Suu Kyi matapos ang pag-takeover ng militar sa bansa noong Pebrero.

Nahaharap sa patong-patong na kaso si Suu Kyi, 76, kabilang ang maraming bilang ng katiwalian at paglabag sa Official Secrets Act, na kapag pinagsama-sama ay maaari siyang mabulok sa bilangguan. Itinanggi niya ang lahat ng paratang.

Naka-house arrest siya mula nang mag-kudeta ang militar na nagpabagsak sa kanyang civilian government. Kris Jose