Sentimyento ng mga Pilipino, nauunawaan ng Malakanyang

Sentimyento ng mga Pilipino, nauunawaan ng Malakanyang

October 10, 2018 @ 11:40 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nauunawaan ng Malakanyang ang sentimyento ng mga Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.

Lumabas kasi sa Third Quarter 2018 Social Weather Stations (SWS) survey na 52 porsyento o tinatayang labing 12.2 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap at 36% rating naman para pagturing nila sa kanilang pagkain bilang mahirap.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na walang pamilyang Pilipino ang dapat magutom.

Iyan aniya ang atas at hangarin ng Pangulo.

“Government has thus implemented measures to cushion the impact of inflation and bring food on the table of poor families. Kasama na rito ang direktiba ng Pangulo sa kanyang huling pagpupulong sa mga miyembro ng kanyang gabinete na walang limitasyong pag-aangkat ng bigas para palakasin ang suplay ng bigas at mapababa ang presyo nito,” ayon kay Sec. Roque.

Matatandaang, sa resultang lumabas sa self-rated poverty noong Disyembre 2014 na naitalang pinakamataas din.

Sa buwan ng Setyembre kung kailan isinagawa ang survey, ang inflation ay pumalo sa 6.7%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“For one, the destruction to agriculture and infrastructure caused by Typhoon Ompong in the Cordillera, Ilocos and Cagayan regions contributed to higher inflation. This would explain why self-rated poverty (SRP) in Balance Luzon rose to 47% in September,” aniya pa rin.

Sa ulat, dumami pa ang pamilyang Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap.

Ito ay batay sa resulta ng ikatlong bahagi ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa sa 1,500 Filipino adults sa buong bansa.

Samantala, sa parehas na survey, umakyat din sa 36 na porsyento o 8.5 milyong pilipino ang nagsabing sila ay “food-poor” o salat sa pagkain.

Mas mataas naman ito ng dalawang porsyento sa huling naitalang pinakamataas nuong Hunyo 2018 kung saan pumalo lamang sa 34 na porsyento./Kris Jose