Senyales ng ‘endemicity’ nasisilayan na sa Pinas – eksperto 

Senyales ng ‘endemicity’ nasisilayan na sa Pinas – eksperto 

April 6, 2022 @ 6:24 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakikita na sa Pilipinas ang mga senyales ng transisyon mula sa pandemic patungo sa endemic dahil sa mas mabuting sitwasyon sa healthcare utilization rate at bumababang coronavirus disease (COVID-19) infections, ayon sa infectious disease expert nitong Miyerkules.

Sa Laging Handa briefing, ipinaliwanag ni Dr. Edsel Salvana na unti-unti ang proseso at hindi madali ang transisyon sa endemic situation.

Subalit aniya, base sa mababang healthcare utilization rate at bagong kaso ng COVID-19 na naiuulat, maaaring patungo na ang bansa sa endemic state.

“Nakikita na naman natin ‘yung signs of endemicity dito na hindi na nape-pressure ang ating healthcare system, manageable na, meron tayong mga lunas para dito, and we know how to prevent it with our masks and our vaccines,” sabi ni Salvana.

“In a way, nagiging endemic na siya. Every single day na the cases remain low, that’s a step forward towards endemicity,” patuloy niya. RNT/SA