Senyor na kumpletong bakunado, 8.9% pa lang

Senyor na kumpletong bakunado, 8.9% pa lang

July 7, 2021 @ 4:45 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nasa 8.9 porsyento pa lang ng mga matatanda sa bansa ang kumpletong bakunado laban sa COVID-19 ayon sa eksperto na miyembro ng Interim National Immunization Technical Advisory Group, Miyerkoles.

Sa Townhall session ng Department of Health, sinabi ni Dr Nina Castillo-Carandang na karamihan sa tinatamaan at namamatay ng COVID-19 sa bansa ay mga senior citizens.

Mula sa 25,149 deaths dahil sa COVID-19, ang 16,139 o 8.2% nito ay mga seniors na may kumpirnading kaso ng COVID-19 at   nasa edad 60 hanggang 80.

Ayon kay Carandang, 87.1% sa mga matatanda na tinamaan ng COVID-19 ay nakarekober habang nasa 8.23% rito ang mga nasawi.

Kung ihahambing sa dami ng kaso ng COVID-19 o mula sa 1.4 milyong kaso sa bansa, ang 13.65 dito ay mga senior citizens kaya dapat umanong lalo pang mag-ingat.

Nasa 82% din umano sa mga senior citizen ang may comorbidities o may mga karamdamang hypertension, diabetes, hika at sari saring sakit.

Nasa 81.97% o 18,289 naman ang elderly na may comorbidities.

Ayon pa kay Carandang, ang pangkalahatang case fatality rate (CFR) o bilang ng namamatay mula sa bilang ng mga nagkakasakit sa lahat ng klase ng kaso ng  COVID-19 ay nasa 1.7%.

Sa COVID-19 data ng senior citizens sa bawat rehiyon, ang Region 4A ang may pinakamataas na nakapagtala  ng 34,224 habang sinundab ito ng Region 3,6 at 7. Jocelyn Tabangcura-Domenden