Senyor nakuryente, dedbol

Senyor nakuryente, dedbol

August 30, 2022 @ 12:37 PM 1 month ago


ILOCOS SUR- Patay ang isang 63-anyos na lalaki matapos makuryente sa Brgy. Cadacad, Narvacan ng lalawigang ito kahapon, Agosto 29.

Kinilala ng Narvacan Municipal Police Station ang biktima na si Mario Garcia y Baggao, may asawa, residente ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon, bandang 12:00 ng tanghali nang magpunta ang biktima sa creek malapit sa kanilang piggery para ayusin ang wire ng kanilang pinagkukunan ng tubig nang bigla itong makuryente.

Hindi na isinugod ng kanyang pamilya sa ospital ang biktima dahil sa tingin nila ay patay na ito nang makita nila.

Ang biktima ay nakitang sunog ang katawan, bloated at may dugong lumabas sa mga ilong nito. Rolando Gamoso