Sequel ng “Maid in Malacañang” kinumpirma ni Imee

Sequel ng “Maid in Malacañang” kinumpirma ni Imee

November 8, 2022 @ 9:49 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – “We waited more than 30 years to tell our story.”

Ito ang winika ni Sen. Imee Marcos kasabay ng kanyang anunsyo na magkakaroon ng sequel ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang” kasunod ng tagumpay nito sa takilya.

Ang direktor ng unang pelikula pa rin ang susulat ng nasabing sequel, dagdag pa ng senadora.

“There will definitely be a sequel but [it’s] still being written by director Darryl Yap. Thank you for organizing the screening of ‘Maid in Malacanqang.’ You even showed it in Utrecht,” ani Marcos sa pagbisita nito Filipino community sa The Netherlands sa kanyang European trip kasama ang ibang senator.

Si Marcos ang producer ng pelikula.

Ang pelikula, sa direksyon ni Darryl Yap, ay naglalarawan sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Palasyo ng Malacañang noong Pebrero 1986, bago sila pinalayas mula Manila patungong Hawaii sa gitna ng People Power revolution.

Pinagbibidahan ito nina Cesar Montano bilang ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.; Ruffa Gutierrez bilang dating Unang Ginang Imelda Marcos; Cristine Reyes bilang Imee Marcos; Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos; at Ella Cruz bilang Irene Araneta. RNT