Sequenced COVID samples noong Enero, puro Omicron – PGC

Sequenced COVID samples noong Enero, puro Omicron – PGC

January 27, 2022 @ 2:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Nakita na karamihan ng local COVID-19 sample na naproseso ng Philippine Genome Center noong Enero ay Omicron variant.

Sinabi ni PGC executive director Cynthia Saloma na partikular na rito ang mga sample galing Metro Manila.

“Starting this January, sa ating mga local samples, practically sila lahat Omicron,” aniya sa Laging Handa public briefing.

 “Mayroon pang tayong mangilan ilan na Delta noong December pero itong January, particularly in the NCR, halos lahat sa kanila is Omicron na.”

Dagdag pa ni Saloma, ganitong pattern din ang nakita sa iba pang bahagi ng bansa kahit may kaunting Delta case ang naitala.

 “It’s really essentially just Omicron starting 2022,” paliwanag pa nito.

Sa datos ngayong Huwebes, Enero 27, 618 pang kaso ng Omicron ang naitala ng PGC. RNT/FGDC