Serbisyo at mga proyekto asahan na mabilis sa 2019-Diokno

Serbisyo at mga proyekto asahan na mabilis sa 2019-Diokno

July 31, 2018 @ 1:00 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Mas maraming proyekto sa ilalim ng Duterte administration ang inaasahang matatapos sa 2019 kasunod ng ipatutupad na kauna unahang “cash-based budgeting” sa paggamit ng 2019 budget.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi na maiipit ang pondo dahil 1 taon na lamang ang magiging validity nito kaya naman mapipilitan ang mga ahensya na paspasan ang implementasyon ng kanilang mga proyekto.

Sa ganitong sistema ay “fully delivered” dapat ang mga proyekto sa loob ng fiscal year na pinaglaanan ng budget at kung mayroon mang delay ay hanggang 3 buwan lamang ang ibinibigay na grace period.

Sinabi ni Diokno na ang ganitong sistema ay sagot para hindi na maulit ang “slow and inefficient spending” na nangyayari sa mga nakalipas na administrasyon partikular umano sa pamumuno ni dating Pangulong Noynoy Aquino na tinawag nitong “notorious” sa underspending dahil P631B o 30% ng taunang budget ang hindi nagamit na nangangahulugan na ilang mahahalagang proyekto ang nabinbin at hindi nai-deliver sa publiko.

Aniya,ang ginawa ni Aquino ay malinaw na katibayan ng incompetence at malayo ang kasalukuyang administrasyon dito.

Nabatid na lumagpas ng P34.4B ang paggastos ng Duterte administration subalit ito ay para umano matapos ang mga proyekto kasama na ang mga nabinbing proyekto noong Aquino administration. (Gail Mendoza)