Serbisyo, programang pangkalusugan bida sa unang 100 araw ni Tiangco sa Navotas

Serbisyo, programang pangkalusugan bida sa unang 100 araw ni Tiangco sa Navotas

October 11, 2022 @ 12:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – ANG lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ay nakapagbigay ng mas maraming medikal at serbisyong pangkalusugan sa mga Navoteños.

Sa unang 100 araw ni Mayor Tiangco sa tanggapan ay umabot sa 531 Navoteños ang nakinabang mula sa Navotas Hospitalization Program.

Nakapagsilbi ang Navotas City Hospital ng  54,086 serbisyo kabilang ang 507 nanganak 14,878 emergency cases, 3,866 face-to-face outpatient consultations at iba pang hospital services tulad ng ultrasound, x-ray, at laboratory services.

Nakapagbigay rin ang lungsod ng free flu at pneumococcal vaccine sa 630 seniors kabilang ang 1,266 libreng pagpapatingin sa dialysis.

Umabot din sa 701 Navoteños ang naenrol sa PhilHealth at 710 na mahihirap na Navoteño ang sumailalim sa medical assistance sa pamamagitan ng PhilHealth Point of Service.

May 250 Navoteños naman ang narehistro sa PhilHealth Konsulta, isang primary care benefit package mula sa ahensya at ang Navotas City Hospital naman ang accredited Konsulta provider facility sa CAMANAVA area.

Dagdag pa, 2,783 Navoteños ang nabigyan ng 1st dose ng  COVID vaccine; 3,371, 2nd dose; 11,064, 1st booster; at 9,881, 2nd booster.

Pinasinayaan din ang Navotas COVID-19 vaccine cold room na mayroong bio-refrigerators, ultra-low temperature freezers na kayang abutin ang -86℃, at single insulation transport coolers.

Ani Tiangco, hindi lang naapektuhan ang pisikal na kalusugan ng Navoteños, bagkus ay naapektuhan din ang mental well-being.

Para mabuhay at mapabuti ang kalusugan, kailangan ng mga ito ang maayos na isipan at pangangatawan at kung mas malusog ang isang tao mas produktibo ang mga ito.

Nangako naman si Mayor Tiangco na mas daragdagan pa ang mga kapaki-pakinabang na programa at proyekto sa mga Navoteño sa ilalim ng kanyang panunungkulan. R.A Marquez