Serbisyo sa Bayan Party ni Belmonte pa rin sa QC

Serbisyo sa Bayan Party ni Belmonte pa rin sa QC

April 11, 2022 @ 8:18 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Halos lahat ng kandidato ng lokal na partidong Serbisyo sa Bayan Party ni Quezon City Mayor Josefina “Joy'” Belmonte ang iboboto pa rin ng mga residente ng lungsod.

Sa huling pag-aaral o ‘independent at non-commissioned survey” na ginawa ng RP Mission and Development Incorporated (RPMD) lumalabas na si Mayor Joy Belmonte pa rin ang napupusuang maging punong-lungsod ng mga botante.

“Unbeatable” pa rin ang record na ipinakita ni Belmonte na nakapagtala ng 67 percent ng ‘respondents’ o mga tinanong sa survey, ay pabor pa ring maging alkalde si MayorJoy. Kumpara ito sa patuloy na pagdausdos ng rating ng kanyang katunggali na si dating Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor na may 25 percent lamang.

Mahigpit man ang laban sa pagka-Vice Mayor, nakauungos pa rin ang anak ni Senate President at Vice Presidential aspirant Tito Sotto, itong si incumbent at re-electionists na si Gian Sotto na nakapagtala ng 51 percent kumpara sa 48 percent ni dating konsehal Winnie Castelo.

Si Arjo Atayde, isang celebrity na tumatakbo para sa congressional seat sa District 1, ay may 58 percent vote lead kay Cong. Onyx Crisologo, na nakatanggap ng 40 porsiyento.

Mahigpit naman ang labanan sa District 2 nina Cong. Precious Castelo na nakakuha ng 47 percent laban kay Ralph Tulfo na may 50 percent para sa pwesto sa kongreso.

Tumaas naman “significantly” ang suporta ni City Councilor Franz Pumaren mula 44% na ngayon 47% na, at humahabol kay incumbent Congressman Allan Reyes na may 52% na lamang mula sa 55%, para sa District 3.

Nanatiling balwarte naman ni Congressman Bong Suntay ang District 4 na may 64% score laban sa challenger na si Marvin Rillo na nakakuha lang ng 35 percent.

Nangunguna si City Councilor Patrick Michael (PM) Vargas na tumatakbong Congressman sa District 5 na may 69%, laban sa Pharmally linked scandal na si Rose Nono Lin na nakatanggap lang ng 28% at kay dating Congresswoman Annie Susano na nakakuha lang ng 1 percent rate.

Pinataob naman ni City Councilor Marivic Co-Pilar na may 76 percent si dating District 1 Congressman Bingbong Crisologo na tinalo ni Mayor Belmonte sa nakaraang eleksyon at ngayon ay tumakbo sa pagka-Congressman na nakakuha lamang ng 22 percent.

Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD, ang huling survey na tinatawag nilang “QC Boses ng Bayan: Halalan 2022” ay ginanap sa pagitan ng April 1 at April 6, 2022 sa 5,500 botante. RNT