Serena Dalrymple, ikakasal na!

Serena Dalrymple, ikakasal na!

September 27, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


New Hampshire, USA – Ayon sa news website na BaliTambayan, wedding bells will be ringing between the former child star na si Serena Dalrymple at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Thomas Bredillet.

In her IG post nitong Sabado, inisa-isa ni Serena ang timeline ng kanilang relasyon ng kanyang soon-to-be husband.

Una silang nagkita noong 2018, they painted the town red sa Scotland at Paris noong 2019, at bumili sila ng bahay noong 2020. This year, 2022, is another new chapter yet to be written.

“2022 – we are getting married next week,” sabi ni Serena sa caption.

Local celebs greeted Serena sa comments section like Rica Peralejo, John Prats, at Shaina Magdayao.

FYI, it was last July 2021 when Serena and Thomas got engaged.

Sa Amerika na naka-base si Serena.

We are happy for you and good luck on your wedding Serena and Thomas. Joey Sarmiento