Serena Williams, suportado ng kaibigang si Meghan Markle

Serena Williams, suportado ng kaibigang si Meghan Markle

July 13, 2018 @ 11:16 AM 4 years ago


 

London – Suportadong panunuorin ni Duchess of Sussex, Meghan Markle ang kaniyang kaibigan na si Serena Williams sa laban gaganapin sa Sabado sa Wibledon.

Paniniguro naman ni Williams na pagdating sa tennis royalty, mayroon lamang nag-iisang reyna ng court.

“If there was a Wimbledon royalty, I would like to believe I would be Wimbledon royalty because I’ve done pretty well here in the past,” sabi ni Williams sa isang panayam kahapon (July 12) dahil isang laban nalamang ang layo niya para makamit ang ikawalo niyang Wimbledon title.

Kung papalarin siyang manalo laban kay Angelique Kerber, si Williams ay mananalo ng record-equaling 24th Grand Slam.

Tunay nga siyang magiging queen bee kung sakali dahil wala pang sinuman ang nakakuha ng mas maraming singles sa Grand Slam titles.

Ayon kay Williams, hindi raw niya inaasahan na makakarating siya sa puntong iyon ng tournament dahil kababalik lamang niya, sampung buwan matapos siya makaranas ng iba’t ibang komplikasyon pagtapos niyang ipanganak si Alexis Olympia.

“That’s a good thing because I put so much pressure on myself when I was trying to get to 18 (to tie the hauls of Chris Evert and Martina Navratilova), then the rest, it was so much.”

“I don’t want to limit myself. That’s what I was doing in the past, I was limiting myself.

“It’s just a number. I want to get as many as I can, starting with… ” (Remate News Team)